Tuesday, July 17, 2007

McDo Culminating Event at Star City

Naku. matagal na nga ito kaso di ko na nakwento ... so here goes at a second look at history ..hahah!

After Bea and Sam completed a week of McDonalds kiddie crew activities they were treated to a fun-filled (tiring for the person who lugs bags ..heheh) day at Star City! It was fun and they really had a great time riding all the rides that they can take, si Bea kasi matangkad kaya yung height niya pang adult rides na ("No, she's still a baby! sob! sniff!) kaya ayun limited lang nasakyan niya kasi di pa talaga siya ready sa mga death defying ikot your tummy rides ... si Sam naman sinakyan lahat ng pwede siya minus her Ate Bea kasi si Vin naman di pwede sa ibang rides kasi maliit pa siya ("Hindi po, kaya niya yan, pwede na siya, di siya matatakot!" hahah!! ano ba talaga kuya!?) in other words konti lang yung rides na magkakasama sila, puro mga walk ang ginawa namin like yung "PeterPan World", "Land of the Giants" chaka yung walang katapusang "Snow White Train" ... chaka pala yung Clarousel na talaga naman makaka-vertigo na ako sa hilo. hehehe!



But they enjoyed the Mcdo show kasi kita nila sing and dance sina Ronald (and si Vin take note halos naka-open ang mouth sa pagkamangha na gumgalaw pala si Ronald .. sawa na kasi siya kay Jollibee, eh sanay siya si Ronald statue lang sa entrance) They also had their face painted, posed sa mga standees at picture taking sa kahit na saang sulok.


Sarap naman food (kanya kanyang bili ang mga parents) but the kids had a 'cold' packed lunch (with toy!) na one piece chix and rice, eh sa toy lang happy na sila. Chaka maya't maya "Mama, buy me fries... Papa buy me a drink... how about some icecream ...i also like mini pancakes ..." Pero bottom line is happy ang tatlong chikiting, and that is all that matters .. ang pagod ng magulang natatanggal yan, konting tulog at upo lang pero ang kasiyahan na makikita mo sa mata ng mga bata hinding hindi mo matatanggal, remember they are building memories, kaya it is our job to make it special! :)

1 comment:

Anonymous said...

Gusto ko yung sinabi mo na "we're building memories." Oo nga naman. Sulit lahat ng pagod/ puyat, etc. - Monina