Tuesday, July 17, 2007

LONG TIME NO POST ...

I can't believe it, makakapag post na din ako sa wakas!!


Di ko akalain na i could be sooooo busy na di man lang makapagblog (naks, blogger daw?!), and to think being a newbie sa blog world ibig sabihin ..ganado pa! I have so many things to say, kwento, balita, share at kung ano ano pa ... i know what you are thinking ... "Eh ano pang inaantay mo, eh di isulat mo na!" ... hmmm, magandang panukala yan, kaya lang di ko na alam kung san magsisimula, i think i can call it a blogger's block (naks i coined that ha, as in now lang!) heheheh!


Anyways, to cut to the chase, have been really busy with my design work, super dami talaga akong clients (most of them are referrals or those who have been to a party and have seen my work)... bigat ng bangko ko ah! hahaha!! But really, ang pagpasok ng clients has been overwhelming, and am really happy kasi all of them are happy with the stuff that they ordered, at yun ang important sa lahat! I can really say that i give it my 100% when i take on a project, i really concentrate and think of it as the design as it were my own. Di pa ata lumampas ang isang araw na wala akong email about perfect pixels, minsan nga sa isang egroup ko may nagemail ng "to the owner of perfect pixels" hehehe, nakalimutan pangalan ko pero yung name na perfect pixels naalala, natuwa nga ako eh! So i must say, business has been very good!


Then nataon pa sa start ng school (alam niyo naman ang bout ko with the pagbabalot ng mga books...hehehe!) then assignments na para akong bumabalik sa pagkabata (kasi minsan ako na nagsusulat, kaya kailangan sulat bata..hahha!) pero in fairness i am fortunate that my two girls just love going to school! Kung yung iba di ganado, itong dalawa excited everyday, kaya pag ginigising ko sila sa morning i always say something nice about school like "Wake up time, your classmates are waiting for you, its PE time today, maybe you will play lots of games" at lahat nang pag-uuto, and i do not tell them na 'late na kayo!" kasi baka maharass...hehehe!! Naalala ko tuloy nung schoolkid pa ako (oo alam ko matagal na yun, inaalala ko nga lang) i did not like to go to school ... i loved staying home na pag dumating ang bus i would throw my shoes sa ilalim ng bed and say di ko mahanap kaya di na ako papasok, it worked for a few times tapos yung mga susunod di na umubra sa mama ko, talagang hahanapin niya at pagnahanap niya isusuot ko kaagad sabay sakay sa bus at baka magamit pa sa akin ang sapatos! hehehe!! hay, kakamiss naman nung bata pa ako... teka bata pa naman ako ah, o sige di ko na namimiss, hehehe, doktorin ba ang sarili?
So ayun na nga, ang haba ba nang explantion kung bakit di ako makapagpost, though tuwing bibisita ako dito sa blog ko nababasa ko mga comments sa cbox saying "bakit daw di pa ako post" ayan na pressure na ako..haha!
O ano pa ba? o sige i will try and retrace my steps and regain my momentum in blogging. sige post na ako ha, wait lang, teka lang, just a minute, brb! :)

,

No comments: