Wednesday, July 25, 2007

Di na tayo Friends ...

Wala na tapos na! Ayoko na! Di na tayo bati!

Ayoko na makipag-friends say, papagod na ako kakamonitor sa iyo, kung may bago ka or kung inaalala mo ako, kung mine-message mo ako... kaya wakasan ko na ang lahat ng paghihirap ko at pag-iintindi sa iyo... di na tayo friends ... sa FRIENDSTER! heheheh!!

Kala mo kung ano noh ... hay, i really have weird relationship with my friendster (actually 2nd account ko na itong bago kong dinelete, may nauna na din akong dinelete for no reason!) Di ko lang talaga feel yun, kasi sabi nga sa news sa TV "Ang friendster ang pugad ng manggagantso" hahaha! gullible me! Well, one down na for the manggagantso since i left na...harhar!

It was a lazy afternoon, looking at my profile, then my 100+ REAL friends, then saw the red note "Cancel account" ... hmmm.... di ko muna pansin ... then .... looked at it again ... hmmm (again) .... then parang narinig ko si Kris Aquino in her pumuputok na gown "Press that button it's yours or open 5 cases!!!"" What open 5 cases pa ... PRESS THAT BUTTON NA!!! hahahha!! And that did it! Goodbye friendster! :)

So sa mga friends ko na ginawan ko ng testimonials (sorry nawala na ngayon yun sa mga profile niyo, yaan niyo na puro bola lang naman yun eh) heheheh kidding! i meant every word!

At sa mga nainis (hi Mik!) "Naman, Ninang Mol, nawalan tuloy ako ng isang friend, pampadami ka eh!" hahahah!!

At sa mga nag testimonial sa akin, it will always remain in my heart! Naks! Naiyak na ba kayo?

Kaya to date i have this blog (which i love by the way, have no plans of deleting it in the future no matter what Kris says!), my design site (multiply and tripod), and Bea, Sam and Vin's site. that is all ... dami na nga eh. Di na kaya ng powers mag-update :)

So, inuulit ko mga kapatid, wala na ako sa friendster ... and have no plans on creating a 3rd account ... but then again ... one lazy afternoon might just do the trick! :)

No comments: