Wednesday, July 18, 2007

Bowling Fun

Globe Telecom where Christian works had a Kiddie Bowling event and of course Bea and Sam joined, knowing Christian who is an active bowler of Globe it was a refreshing change to our saturday schedule. Usually kasi for three straight months all our saturdays we all go to Megamall to watch Christian sa bowling, the kids play around while i eat sa kiosk, pero this time Christian was a part of the bowling committee and THE kids turn to play!


Bea was given the honors to lead the players oath, and naman shempre i was really proud, big girl na talaga siya! Sam sana was asked to do the opening prayers (kaya lang nahihiya, chaka baka naman sabihin ouro mga anak ni Christian ang kasali ... but the committe really wanted them kasi they speak well daw (ehem..ehem) pero ayaw ni sammie girl) hehehe!

Bea was the only girl among her team members pero knowing Ms Congeniality she easily fit in the crowd. Nakakatuwa si Bea kasi nabibigatan siya ball, tapos puro canal pa, swerteng makatama... pero one time nakaubos siya ng mga pins and her smile was from ear to ear.


Side kwento naman ito may nagsasalita sa mike while the game was ongoing and then suddenly may nagsabi na ang crush daw niya sa bowling ay si "Bea" ... panay tukso and all, ako naman wala lang patawa tawa, then sinabi nung nasa mike "Hoy. Christian, Si Bea mo ang crush nito ha!" yikes!!! si Bea ko!!! di pa yun pwede ... i looked at Bea at wala siyang kaalam alam na siya ang pinaguusapan, di nga niya naririnig panay ang appear sa mga kakampi niya...heheh!! At ang nagka-crush sa kanya ay di naman niya ka-team ..hehhe...tapos all through out the tournament panay kantyaw ng "love team" dito si Bea (i would look at Bea everytime her name was mentioned at talagang walang alam na pinaguusapan na siya) kaya naman ako "Bea, come here" sabay sinuklayan ko naman...heheheh!!!



Si Sammie naman nasa ibang team at ang facilitator dun ay si Christian, kaya at home siya. Bumper busters naman sila kasi walang canal kaya sure matatamaan yung mga pins ang usapan lang is gaano katagal makadating ang mga bola nila sa pins..hahaha!! Kaya ang tagal nila matapos, pero happy si Sam kasi she is hitting the pins daw, at naka-strike pa siya, yun nga lang slow motion ang mga pins.

Si Vin naman palakad lakad na parang supervisor dun, punta dito, punta doon while eating. Bea's team won most well-behaved ...heheh! All the kids had a great time, they were given lollipops during the event, lunch was served (Chicken, Spaghetti and Iced Tea) and lootbags too! Kahit si Vin nakakuha ng lootbag as the official alalay ..heheh! At least for one day na-share nila yung fun ng bowling with Christian. :) Bea and Sam told their papa that they want to join again next year!