Wednesday, July 25, 2007

My Header pics

La lang, decided to give my blog a fresh look (halata bang bumabawi sa tagal na nagka-backlog sa blog posting arena) with latest pics of my family. This was all taken nung July 23, birthday ni Christian, alam niyo naman ako with pictures di matahamik, kaya ayun may sepia, may arte arte, at may mga collage na din yan. hehehe!

Everybody was in their right elements kaya maganda yung mood ... si Vin lang ayaw mag suot ng hat, sabi ko cge na yaan mo na ayaw eh ..heheh, i just said "Vin, you don't need to wear a hat but you have to smile ha.." "Okay, mama!" sagot naman ni bunsuy.

Si Bea game na game sa mga pictures. Si Sam may konting "Mama, they might see my teeth ... (kasi tumutubo pa lang yung mga permanent niya sa taas kaya concious na)" ... then i said "Just smile with your mouth closed, no one will see." hahahah!

And that was the drama sa studio :)

Say Cheese! Keso! Parmesan! :)



























Di na tayo Friends ...

Wala na tapos na! Ayoko na! Di na tayo bati!

Ayoko na makipag-friends say, papagod na ako kakamonitor sa iyo, kung may bago ka or kung inaalala mo ako, kung mine-message mo ako... kaya wakasan ko na ang lahat ng paghihirap ko at pag-iintindi sa iyo... di na tayo friends ... sa FRIENDSTER! heheheh!!

Kala mo kung ano noh ... hay, i really have weird relationship with my friendster (actually 2nd account ko na itong bago kong dinelete, may nauna na din akong dinelete for no reason!) Di ko lang talaga feel yun, kasi sabi nga sa news sa TV "Ang friendster ang pugad ng manggagantso" hahaha! gullible me! Well, one down na for the manggagantso since i left na...harhar!

It was a lazy afternoon, looking at my profile, then my 100+ REAL friends, then saw the red note "Cancel account" ... hmmm.... di ko muna pansin ... then .... looked at it again ... hmmm (again) .... then parang narinig ko si Kris Aquino in her pumuputok na gown "Press that button it's yours or open 5 cases!!!"" What open 5 cases pa ... PRESS THAT BUTTON NA!!! hahahha!! And that did it! Goodbye friendster! :)

So sa mga friends ko na ginawan ko ng testimonials (sorry nawala na ngayon yun sa mga profile niyo, yaan niyo na puro bola lang naman yun eh) heheheh kidding! i meant every word!

At sa mga nainis (hi Mik!) "Naman, Ninang Mol, nawalan tuloy ako ng isang friend, pampadami ka eh!" hahahah!!

At sa mga nag testimonial sa akin, it will always remain in my heart! Naks! Naiyak na ba kayo?

Kaya to date i have this blog (which i love by the way, have no plans of deleting it in the future no matter what Kris says!), my design site (multiply and tripod), and Bea, Sam and Vin's site. that is all ... dami na nga eh. Di na kaya ng powers mag-update :)

So, inuulit ko mga kapatid, wala na ako sa friendster ... and have no plans on creating a 3rd account ... but then again ... one lazy afternoon might just do the trick! :)

Thursday, July 19, 2007

Rock! :)

Since it has been jurassic ages since i last blogged minus the 2 posts na kahapon ko lang ginawa ha..heheh) i scrolled down sa cbox and finally went to http://mitch-was-here.blogspot.com/ (blog of my egroup friend MITCH!) and she said in her message that she has something for me in her blog ... so masunurin ako, punta naman ako. :)


Was really touched kasi Mitch (who was earlier tagged by Yette, who was tagged by her friend, who was tagged by her friend also...hahah) included me sa 5 (take note 5 ha...hindi 50!) who somehow managed in one small way or another to rock her world ... naks!!! And looking at her good posts di sha madaling i-rock...heheh, tama ba yung term? She is a very outspoken and bright individual, you can see it naman sa mga posts niya and she is someone with subsatnce, kaya i am really thrilled na napili niya ako (sob..sniff) maraming salamat Mitch and am glad that kahit papano i have made a good impression to you kahit di pa talaga tayo nagkikita sa mata sa mata :)

Here is what she said about how i rocked (a-bye-baby) sa blog ni mitch:

Melisse- a fellow SAHM with 3 kids to boot. Although I haven't personally met her or her kids, I have no doubt her kids are smart, and it is very evident that they're very charming. Her tales of giving birth to her babies still amaze me until now. I have known her from our Parenting E-group to be a level-headed, very resourceful, and well-spoken person. Rock on!


Thank you, ladies, for the opportunity. It was hard to choose just 5, but I should say, it was worth it.


Thank you din mitch! You made my day Rock! :)

Wednesday, July 18, 2007

Bowling Fun

Globe Telecom where Christian works had a Kiddie Bowling event and of course Bea and Sam joined, knowing Christian who is an active bowler of Globe it was a refreshing change to our saturday schedule. Usually kasi for three straight months all our saturdays we all go to Megamall to watch Christian sa bowling, the kids play around while i eat sa kiosk, pero this time Christian was a part of the bowling committee and THE kids turn to play!


Bea was given the honors to lead the players oath, and naman shempre i was really proud, big girl na talaga siya! Sam sana was asked to do the opening prayers (kaya lang nahihiya, chaka baka naman sabihin ouro mga anak ni Christian ang kasali ... but the committe really wanted them kasi they speak well daw (ehem..ehem) pero ayaw ni sammie girl) hehehe!

Bea was the only girl among her team members pero knowing Ms Congeniality she easily fit in the crowd. Nakakatuwa si Bea kasi nabibigatan siya ball, tapos puro canal pa, swerteng makatama... pero one time nakaubos siya ng mga pins and her smile was from ear to ear.


Side kwento naman ito may nagsasalita sa mike while the game was ongoing and then suddenly may nagsabi na ang crush daw niya sa bowling ay si "Bea" ... panay tukso and all, ako naman wala lang patawa tawa, then sinabi nung nasa mike "Hoy. Christian, Si Bea mo ang crush nito ha!" yikes!!! si Bea ko!!! di pa yun pwede ... i looked at Bea at wala siyang kaalam alam na siya ang pinaguusapan, di nga niya naririnig panay ang appear sa mga kakampi niya...heheh!! At ang nagka-crush sa kanya ay di naman niya ka-team ..hehhe...tapos all through out the tournament panay kantyaw ng "love team" dito si Bea (i would look at Bea everytime her name was mentioned at talagang walang alam na pinaguusapan na siya) kaya naman ako "Bea, come here" sabay sinuklayan ko naman...heheheh!!!



Si Sammie naman nasa ibang team at ang facilitator dun ay si Christian, kaya at home siya. Bumper busters naman sila kasi walang canal kaya sure matatamaan yung mga pins ang usapan lang is gaano katagal makadating ang mga bola nila sa pins..hahaha!! Kaya ang tagal nila matapos, pero happy si Sam kasi she is hitting the pins daw, at naka-strike pa siya, yun nga lang slow motion ang mga pins.

Si Vin naman palakad lakad na parang supervisor dun, punta dito, punta doon while eating. Bea's team won most well-behaved ...heheh! All the kids had a great time, they were given lollipops during the event, lunch was served (Chicken, Spaghetti and Iced Tea) and lootbags too! Kahit si Vin nakakuha ng lootbag as the official alalay ..heheh! At least for one day na-share nila yung fun ng bowling with Christian. :) Bea and Sam told their papa that they want to join again next year!

Tuesday, July 17, 2007

McDo Culminating Event at Star City

Naku. matagal na nga ito kaso di ko na nakwento ... so here goes at a second look at history ..hahah!

After Bea and Sam completed a week of McDonalds kiddie crew activities they were treated to a fun-filled (tiring for the person who lugs bags ..heheh) day at Star City! It was fun and they really had a great time riding all the rides that they can take, si Bea kasi matangkad kaya yung height niya pang adult rides na ("No, she's still a baby! sob! sniff!) kaya ayun limited lang nasakyan niya kasi di pa talaga siya ready sa mga death defying ikot your tummy rides ... si Sam naman sinakyan lahat ng pwede siya minus her Ate Bea kasi si Vin naman di pwede sa ibang rides kasi maliit pa siya ("Hindi po, kaya niya yan, pwede na siya, di siya matatakot!" hahah!! ano ba talaga kuya!?) in other words konti lang yung rides na magkakasama sila, puro mga walk ang ginawa namin like yung "PeterPan World", "Land of the Giants" chaka yung walang katapusang "Snow White Train" ... chaka pala yung Clarousel na talaga naman makaka-vertigo na ako sa hilo. hehehe!



But they enjoyed the Mcdo show kasi kita nila sing and dance sina Ronald (and si Vin take note halos naka-open ang mouth sa pagkamangha na gumgalaw pala si Ronald .. sawa na kasi siya kay Jollibee, eh sanay siya si Ronald statue lang sa entrance) They also had their face painted, posed sa mga standees at picture taking sa kahit na saang sulok.


Sarap naman food (kanya kanyang bili ang mga parents) but the kids had a 'cold' packed lunch (with toy!) na one piece chix and rice, eh sa toy lang happy na sila. Chaka maya't maya "Mama, buy me fries... Papa buy me a drink... how about some icecream ...i also like mini pancakes ..." Pero bottom line is happy ang tatlong chikiting, and that is all that matters .. ang pagod ng magulang natatanggal yan, konting tulog at upo lang pero ang kasiyahan na makikita mo sa mata ng mga bata hinding hindi mo matatanggal, remember they are building memories, kaya it is our job to make it special! :)

LONG TIME NO POST ...

I can't believe it, makakapag post na din ako sa wakas!!


Di ko akalain na i could be sooooo busy na di man lang makapagblog (naks, blogger daw?!), and to think being a newbie sa blog world ibig sabihin ..ganado pa! I have so many things to say, kwento, balita, share at kung ano ano pa ... i know what you are thinking ... "Eh ano pang inaantay mo, eh di isulat mo na!" ... hmmm, magandang panukala yan, kaya lang di ko na alam kung san magsisimula, i think i can call it a blogger's block (naks i coined that ha, as in now lang!) heheheh!


Anyways, to cut to the chase, have been really busy with my design work, super dami talaga akong clients (most of them are referrals or those who have been to a party and have seen my work)... bigat ng bangko ko ah! hahaha!! But really, ang pagpasok ng clients has been overwhelming, and am really happy kasi all of them are happy with the stuff that they ordered, at yun ang important sa lahat! I can really say that i give it my 100% when i take on a project, i really concentrate and think of it as the design as it were my own. Di pa ata lumampas ang isang araw na wala akong email about perfect pixels, minsan nga sa isang egroup ko may nagemail ng "to the owner of perfect pixels" hehehe, nakalimutan pangalan ko pero yung name na perfect pixels naalala, natuwa nga ako eh! So i must say, business has been very good!


Then nataon pa sa start ng school (alam niyo naman ang bout ko with the pagbabalot ng mga books...hehehe!) then assignments na para akong bumabalik sa pagkabata (kasi minsan ako na nagsusulat, kaya kailangan sulat bata..hahha!) pero in fairness i am fortunate that my two girls just love going to school! Kung yung iba di ganado, itong dalawa excited everyday, kaya pag ginigising ko sila sa morning i always say something nice about school like "Wake up time, your classmates are waiting for you, its PE time today, maybe you will play lots of games" at lahat nang pag-uuto, and i do not tell them na 'late na kayo!" kasi baka maharass...hehehe!! Naalala ko tuloy nung schoolkid pa ako (oo alam ko matagal na yun, inaalala ko nga lang) i did not like to go to school ... i loved staying home na pag dumating ang bus i would throw my shoes sa ilalim ng bed and say di ko mahanap kaya di na ako papasok, it worked for a few times tapos yung mga susunod di na umubra sa mama ko, talagang hahanapin niya at pagnahanap niya isusuot ko kaagad sabay sakay sa bus at baka magamit pa sa akin ang sapatos! hehehe!! hay, kakamiss naman nung bata pa ako... teka bata pa naman ako ah, o sige di ko na namimiss, hehehe, doktorin ba ang sarili?
So ayun na nga, ang haba ba nang explantion kung bakit di ako makapagpost, though tuwing bibisita ako dito sa blog ko nababasa ko mga comments sa cbox saying "bakit daw di pa ako post" ayan na pressure na ako..haha!
O ano pa ba? o sige i will try and retrace my steps and regain my momentum in blogging. sige post na ako ha, wait lang, teka lang, just a minute, brb! :)

,