Thursday, June 7, 2007

Father's Day Gift

Father's Day is fast approaching ... kaka Mother's day lang ah, di na nga ako nakapag-post about that day kasi super busy talaga, lalo na that school is fast approaching ... naku hinahabol na nga ako ng mga books at notebooks na dapat i-cover ... at nagpaka-cute pa ako at ang mga binili kong plastic yung makakapal, kaya mas mahirap ibalot, pero in the long run mas tatagal sa wear and tear ng books (am i convincing myself?!) heheh!! Naisip ko kasi since same din naman yung time and effort na ilalagay ko sa pagwrawrap might as well yung matibay na (o sige, i am convincing myself that it was a good buy! hahaha!)

Finally had enough time to sit down and make Christian a collage for the kids' gift (tumbler) at natuwa ako kasi ang ganda... ang lalaki ng mga kids na ... and makes me realize that Christian indeed has three great kids who love him dearly! Eversince we got married we never had a maid nor a yaya (Except this year kumuha kami ng maid, then i let her go na lang din, but she stayed on for a year, iba pa din kasi yung kami kami na lang) kaya i can truly say, indeed Christian is a hands-on-father! Nung buntis ako siya nag-aalaga sa akin, nung nanganganak ako siya nag-alaga sa akin at sa mga babies namin, changed their diapers, prepared their formula kahit madaling araw, burped them, put them to sleep, played with them, andun siya sa lahat ng mga firsts nila, school programs kahit mag-absent siya sa work basta for the kids. Bea just turned 9, meaning 9 years na siyang tatay, not to include the time na nasa stomach ko pa lang si bea kasi feeling tatay na din siya nun, sama sa doctor at ultrasound sessions up to manganaganak na. Christian may not be THE perfect father ... we are all a work in progress ... but for Bea, Sam and Vin it is enough to win their hearts forever.