Wednesday, May 9, 2007

Vin's Birth Story

Vin too had his birth story published in Baby Magazine just like his sisters ... here are the pages ... but the story following it is not the one that was published (formal composition kasi yung sa babymag) this naman is story in my words, kung baga ito yung original na narration ko, then i just revised and edited it for the version for the Baby Magazine pages. Kaya without further ado ... here it is





At last my little baby Vin is home after a gruelling two week stay at the hospital.


Everything is well and i learn to appreciate life more let alone feel blessed that i am given another chance to be a "mama" once again.


I have learned a lot from this experience and embrace life more with a more positive outlook... God is truly good and He will never leave you in your most trying times!


It all happened so fast and my OB said that had i been late in getting to the hospital (few minutes lang talaga ang difference) everything would have been different.


It was March17, 9pm, house lang ako, waiting for dinner when parang tumitigas tiyan ko... (sked ako to have my CS on a later date, kaya kampante pa ako)... so pinakikiramdaman ko lang, plus nasa Paranaque ako tapos hospital sa Makati pa.


Bandang mga 1030pm medyo may parang contractions... medyo nerbyos na ako ng konti so i told my husband Christian to take me to the DR papacheck ko lang... so he packed a few things and my two daughters (Bea 5yrs old and Sam 3yrs old) rode the car.


On the way to the hospital lumalakas ang contractions and tumitindi yung pain, medyo napapa-groan na ako sa sakit, although talagang pinipigilan ko kasi ayoko maguluhan si Christian kasi nga driving siya chaka sina Bea ayoko silang ma-alarm.... suddenly sobrang sakit na napapasigaw na ako sa sakit at napapatupi na ako sa seat ko... pero in between the sigaw ko na masakit, sinisingit ko yung "okay lang ako ha... i just need to let it out ha... but i am okay".


When suddenly nabibingi na ako... to the point na di ko nadidinig ang sarili ko and namumuti ang paligid ko, na when i looked at my daughter puro puti na lang, konti na lang ang nakikita ko sa face niya... that was the time that i panicked... i would not succumb to the blinding light... i had to fight it... i was like passing out na... kaya i thought of slapping myself repeatedly para hindi ako mag-black-out.... dun nakita ko na umiiyak na si Bea and she kept asking me what was wrong and what was happening... i was going into chills but i kept on fighting... continous ang pagsampal ko sa face ko para talagang umabot ako sa hospital.... pagdating dun diretso ako sa emergency, blood pressure ko was 70/50... i was shiverring and wala nang control mga paa ko plus sobrang sakit ng tiyan ko sa contractions.


As soon as na-stable BP ko that was the only time they brought me to the delivery room... i was strapped with mga monitors and that's where i heard the slow and very faint heartbeat ng baby ko... sanay ako sa mga ultrasound namin sobrang bilis and lakas tapos biglang ngayon sobrang hina.. parang naghihingalo na.


I was not dilated, sarado pa cervix ko pero fetal distress na kaya kailangan nang operahan... turns out pala i had Placenta Abruptio (a rare condition in pregnancy where part or all of the placenta separates from the uterine wall)... nung binuksan nila ako, completely nakatanggal ang placenta ko, kaya nung nilabas ang baby ko di siya gumagalaw.... kasi wala na siyang oxygen dun...di siya umiyak, pero humihinga siya. Apart from the placenta ang dami daw mga blocks of blood na nakuha sa akin, i was hemmoraging inside na din pala.


They kept telling me to sleep but i would not close my eyes no matter what... i was waiting for the cry of my baby... pero wala akong narinig... nakita ko lang na nagkakagulo sila sa isang table... tapos nagtakbuhan na sila palabas... still inaantay ko nailagay sa akin ang baby ko... di ko na matiis sabi ko "nasaan po ang baby ko?" my anesthesiologist kept on stroking my face and said "it's okay...it's okay... sige rest ka na.. tulog ka na.. aantukin ka na kasi nilagyan na kita nang pampatulog..sige na close na ang eyes"... pero ayokong isara... nakikinig ako... nasaan na ang baby ko... kanina pa nila sinabi ang "it's a boy" bakit wala akong narinig na iyak? bakit hindi nilalagay dito sa harap ko? bakit tahimik na ang lahat? they were talking among themselves and ako trying talaga to decipher and read between the lines... hanggang sa tapos na daw, dadalhin na ako sa recovery room... nasaan na ang baby ko? hanggang nadinig ko na " iha, okay ang baby mo, humihinga siya kaya lang di siya gumagalaw." I felt my world crashing! What did that mean? Ano yon? Baket ganun? Nasaan na siya? Naiyak ako at gusto ko nang tumayo at hanapin siya... gusto kong makita! I was wheeled in the recovery room where i was given blood transfusion kasi madami daw nawalang blood sa akin... daming tusok sa kung ano anong skin test at IV... but there was no feeling... i felt numb.. all i wanted was to know the status of my little boy!


Bilib ako sa lakas ko... di talaga ako natutulog... in the middle of it my husband came in... gulat ako kasi usually bawal ang mga asawa dun... bakit siya pinayagan.. ang tanong ko kamusta na baby?.. okay daw.. sabi ko nasan.. nasa nursery daw.. sabi ko may problema ba? nasa incubator ba? (Kasi feeling ko nun that time basta nasa incubator may problemang malaki) sabi niya wala... malakas baby natin. Then he kissed me and said lalabas na daw muna siya para puntahan uli ang baby sa nursery. Then napansin ko yung hospital bracelet ko sa right hand ko may nakakabit pa na isa pang tiny bracelet... binasa ko nakasulat "Baby boy of Ma Melissa", nagulat ako, why is it on me, nasaan ang dapat magsuot ng bracelet na ito, bakit nakakabit sa akin... i called the nurse and sabi ko to please call someone from the nursery to tell me what is going on hindi pwedeng ganitong guessing game... please call the resident now, i have the right to know.


Dumating din ang resident and she explained to me blow by blow na ni-revive daw nila ang baby ko and that everything is still 50-50, hoping for the best, they have done evrything, alam na daw ng asawa ko at malungkot na malungkot daw ang asawa ko nung sinasabi nila ang situation, karga pa nga raw niya yung dalawang anak na babae, nagpapray nga daw sila sa labas.... i could not believe it talaga.


Wala na raw kasing time ikabit yung id bracelet ng baby kasi kailangan na dalhin sa nursery kaya sa akin na lang ikinabit... i asked for his Apgar score...2.


It was really devastating. I could not believe it, parang nightmare, i was crying uncontrollably, plus nag-chichills pa ako.. i did not know what to think anymore... i prayed hard... it was beyond me... only God can help my little boy! After two days... and continous update on my little boy's situation I had to be strong to go to the nursery and finally see him.


Tumayo na ako kaagad as soon as tinanggal ang catheter and i asked to be brought to the ICU of the nursery... and for the first time i laid eyes on my little one i wanted to open the incubator and hug him... naiyak ako to see him inside... helpless...alone...daming nakakabit na mga tube... i asked permission if i could at least hold him kahit sa paa lang, para he will know na nandito lang ako, pumayag sila, nag-alcohol ako tapos nahawakan ko na siya... sobrang lambot ng skin.


I could not nurse him kasi antay pa daw ng five days... after four days discharge na ako... naiwan baby vin ko... di ako sanay to leave the hospital without him, it was like leaving a part of me behind.


The next days after so many tests na ginawa sa kanya (yung iba nga inuulit nila) di makapaniwala sila na normal lahat... cranial ultrasound, eeg, cbc, kidneys, lahat na, they said miracle daw na walang naging epekto ang paghihiwalay ng placenta sa kanya, nonetheless they want to make sure kaya kailangan daw muna tapusin yung inumpisahang antibiotic kaya stay pa siya ng two weeks.


Halos mabutas na mga hagdan ng makatimed sa akin sa kakabalik ko dun to breastfeed... start ako ng 7am, tapos balik ng 10am, tapos 1pm, 4pm, 7pm, till 10pm. pagod na pagod ako kasi sakit din sugat ko... but nothing could stop me from seeing him. hanggang sa sabi ng doctor niya lipat na lang daw sa private room para magkasama na kami... so we checked in sa privateroom where ako na ang nagalaga sa kanya.


And last friday april2 nauwi ko na din little boy ko! At last magkasama na lahat kami... my daughters love their little brother and always want to take turns in hugging him.I am truly blessed!


God has given me another chance to be a "mama", i will not fail Him, i will and have always dedicated my life to my children, He has given me a gift of life that i will treasure and love for the rest of my life!


Ang haba no... wala talagang shortcut yan...just want to share how God has touched our lives and i hope we all look up to Him in all that we do... because he will never steer us wrong!

No comments: