Tuesday, May 15, 2007

Tagytay in May

Was still in slumberland at around 10:00 am, May 6, when i was awakened by texts, landline calls all geared to an impromptu lunch at Tagaytay with the entire family.

Was still sleepy as we had our family ritual of "salubong" for my papa and my sister who are celebrating their birthday together, kaya nakauwi kami madaling araw na. Kaya was really groggy pa and halos di ko na maintindihan kung ano ang ipapack ko sa bag namin na mga stuff for the day.

Add to that tulog pa ang tatlong kiddies ... hehehe!! Kaya ayun, ginising ko na sila with a promise of a pony ride to perk them up, and soon enough they were all up and about except Vin na talagng antok na antok pa, gave me the chance na din to fix my things before "my Boss Vin" wakes up.

Dinaanan nila kami since on the way ang house namin papuntang tagaytay ... after all the bilis-bilis ... nasa car na nung naalala ko na since kinarga ko lang si Vin, wla siyang shoes!!! Oh no! Kaya along the way naghahanap ako ng mabibilhan kahit slippers lang.

Our lunch was at TaaleƱa Restaurant, sarap naman ng food, it was my sister's treat (it being her birthday!) we ordered gambas, adobo sa gata (yun lang yung talagang nakain ko sarap na!), chopseuy, sinigang na baboy, inihaw na assorted na nasa parang bilao, pancit for long life, di ko na maalala yung iba. Tapos dun sa baba ng restaurant was a spacious garden overlooking the Taal Volacano, kaya that only means one thing "picture time " na!!

Si Vin di maintindihan yung feeling ng grass sa feet niya, una ayaw niya, mamaya gusto na niya ..hehehe! Sina Bea and Sam naman had a fun time playing with their cousins. Doon pa nga lang enjoy naenjoy na sila, sabi nga namin pwede nang umuwi eh..haha!!

Pero shempre di pwedeng umapak ka sa tagaytay na di nag horsebackriding ... naku, ang alikabok sobra! Pero pagdating naman ng mga 6pm, super lamig na. We ate balut, quail eggs and chicharon while waiting for the kids to go around the trail. Kilig na kilig si Vin, sila Sam din tuwang tuwa, gusto pa sana magpa-extend kaso medyo madilim na. Kaya next time na lang uli.

On the way home stop over naman sa KFC along the highway for dinner, treat naman namin ng younger sister ko sa two celebrants. Tapos uwian time na, happy uli mga kids! They can't wait to go back there and ride "Angel the horse" again!





No comments: