Thursday, May 31, 2007

How it all started ... and the saga continues ...

I have been asked many questions (at iba iba pa ang version and style ha) kung papano nalalagay mga kids ko sa magazine ... naku mahabang kwento yun as i would always answer ... may nagtatanong sa text, sa email, sa ym at face to face ... eh papano wala pa akong blog nun (naks! blog daw oh?) ngayon pwede dito ko na lang din kwento ang aking salaysayin ng history ng aking mga magazine exposure ..hahah!!

Ganito kasi yun, kasi nga di ba SAHM ako, kaya ayun my only career were my kids (actually si Bea pa lang noon) ... so my love of joining photo contests bloomed nung 1999 (tagal na noh) sinali ko si Bea sa Vandol Baby Contest, and she won as the Vandol Baby month of July, so tuwang tuwa ako! Then was called for the awarding kung saan may "picture-getting" at lumabas yun sa newspaper at magazines ... eh di lalo akong natuwa! Pero before that talagang mahilig na ako magbasa ng mga mags nun (Baby Mag pa lang ang uso nun) so complete ako jan. So yun ang first exposure ko sa magazine pages.


Aba shempre, di dun yun nagtatapos, nung si Sam naman sinali ko din sa Vandol Contest (every year kasi yun, buong Philippines ang kasali) and nanalo si Sam ng Monthly Baby ... nung finals naman aba, nanalo si Sam ng over-all Vandol Baby of the Year!!
Then yun na ... sali ko na sila Sam sa baby of the month sa diaper brand, winner siya uli ... then nagkaron ng Cover Baby Search and she was one of the winners ... di nga lang natuloy yung pag-cocover kasi biglang nagpalit ng editors, so instead of cover shoot they changed it na for situational shoots (yun yung mga pictures na accompanying an article sa magazine) na happy na din ako kasi constantly we were called for a shoot.


Then (o ano sabi ko sa iyo mahaba eh) there was a call na you could send in your birth story at pag napili ka lalagay nila sa magazine... and ako yng unang-unang na-feature sa Baby Magazine .. happy uli ako, kasi di ba mapapakita ko kina Bea at Sam paglaki nila .. nung dumating naman si Vin wala na atang ganun, but i still contacted my editor (na friend ko na! ) and asked if i could send it in .. and yes it came out sa Baby Magazine ... o ayan eh di pantay pantay sila!

Baby Magazine days pa lang, nameet ko dun isang friend ko and when she transferred to Smart Parenting Mag napasama na din kami , kaya yun naman ang binili ko, and gaganda naman talaga ng mga articles kung baga icing on the cake na lang pag andun mga kids ko ... pero talagang nothing can compare to the the high you get seeing your children's photos on the glossy magazine. At always kung magpabili ako ng magazine parating days before the first day of the month here i am scouring the bookstands (actually parating si Christian ang biktima ko jan! heheh!!)

So yan na ang history ... kaya ang mapapayo ko lang ay ... buy magazines, look kung saan pwede magpadala ng picture ng mga kids, join contests (minsan di mananalo, pero okay lang di ba..try and try) you will never know baka anjan lang yung chance kaya lang di ka nag-try .. pressurin ka ba? hehehhe!!


Nga pala, si Vin super tuwa ako sa SP june issue picture niya, eh to think ang first time niya sa SP was at 5 weeks old, pati sa SPBaby magazine he won the spot to be the model for 3 month old baby (na may mga copies ako na pinamigay sa mga newly nanganak friends kasi very informative at andun pa si Vin..hahah!) .. like Bea and Sam .. Vin practically grew up on the pages of the magazines, well-documentd ko yan as i have a big black leather clearbook na andun lahat ng mga sightings nila (kahit name lang nila, may mga nagsusulat kasi sa editors page na nagrereact s abirth story namin o kaya request nila na magmodel daw uli sina sam, tinago ko lahat yun, para makita nila paglaki nila) aside pa sa mga extra copies nila na naka-plastic pa, at copies na pwede ko pahiram at titigan..heheh!!

Hay, ang maging stage momma nga naman .. if you want to see all the pages na andun sila from different magazines, i have scanned them all and saved them sa cd para tag-isa isa silang magkakapatid and they can
show their own kids din ... i uploaded them here sa link na ito if you want to see them http://perfectpixelsmelisse.multiply.com/photos/album/30

Also sa aking mga mommie friends, pag may need for models don't worry i have you all in mind, tatawagan ko kayo para naman you can share the joy of seeing your little ones sa magazines .. dami na din akong narefer sa kanila and they are happy with them kaya di ako magaatubili na iprisinta kayo ... mga mababait kong mga ka-chika na mommies! :)

No comments: